Thursday, December 2, 2010

Kuliglig Drivers


Ilang oras matapos ang kilos protesta ng mga kuliglig drivers sa tapat ng Manila City Hall, malinis na umano ngayon ang lansangan doon dahil sa matagumpay na pag-disperse ng pulisya.
Tanging ang mga PNP na lamang ang nasa tapat ng city hall kasunod ng kanya-kanyang pagtakbo ng mga drayber patungo sa Sta. Cruz at Binondo area.
At maliban sa mga nadakip na raliyesta na sinasabing nambato kung kaya't kaagad idiniretso sa PNP headquarters, nabatid na sinagasaan dinurog at pinukpok na rin ng mga otoridad ang kuliglig ng mga ito.
May mga sugatan din umano sa panig ng PNP kabilang na ang ground commander na si Maj. Mar Reyes ng Special Operations Group ng Manila City Hall kung saan nagtamo ito ng tama sa pisngi matapos batuhin ng bato at bote ng mga raliyesta.
Humigit kumulang limang tear gas din umano ang pinakawalan ng puwersa ng Manila Police District dahil sa hindi natitinag sa puwesto ang mga drivers na nagdulot ng matinding traffic maging sa mga motorista.
Sa ngayon ay inumpisahan na ng Department of Public Order and Safety ang paglilinis sa mga bato at bubog na nagkalat at madadaanan na rin ang mga lansangan.


Opinyon:
Sang-ayon ka ba sa ginagawa ng mga pulisya sa mga kuliglig drivers? Sa tingin mo, tama ba na tanggalan nila ng hanapbuhay ang mga taong ito? 
Ang mga kuliglig drivers ay naghahanapbuhay para sa kani-kanilang mga pamilya. Kahit pa siguro sabihing hindi rehistrado ang mga sasakyang ito, hindi pa rin tama ang ginawa ng mga pulisya. Mas makabubuti siguro na bigyan nila daraanan ang mga sasakyang ito ng sa gayon ay may pagkakakitaan pa rin sila. Marahil siguro iyon lang ang alam nilang pagkakabuhayan.
Marangal na trabaho naman ang trabaho nila. Mas maigi naman sigurong maghanapbuhay kaysa magnakaw. Kung ikaw ba ang presidente ng Pilinas, hahayaan mo bang magkasakitan pa ang mga tao? Kaya kung ako sa mga may matataas na posisyon sa lipunan, hayaan na natin ang mga kuliglig drivers na maghanapbuhay. Isipin din natin ang kapwa natin. Sabihin na nating wala silang kaya sa buhay ngunit nagtatrabho sila para umangat at hayaan at tulungan natin sila sa pag-angat na ito.